ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Davao's best buffet sa 'Pop Talk'


POPTALK
DAVAO BEST BUFFET
Airing Date: Jan 10, 2012
 
Bagong taon, bagong food trip na naman tayo sa Pop Talk!  Aalamin natin kung alin ang Buffet Restaurant sa downtown Davao City ang Pop o Flop!
 
Samahan si Tonipet Gaba at ang expert reviewer na si Aileen Siroy na isang food and travel blogger sa kanilang pag-ambush ng dalawa pang reviewer sa mga lansangan ng Davao.  Nariyan ang tricycle driver sa sitio ng Bangkerohan na si Napoleon Rivera, at ang Manilenyang turista na si Jing Malagueno.
 
Sabay-sabay nilang susubukan ang mga pagkain ng tatlong kilalang budget-friendly restos--ang buffet ng Kuya Ed’s Restaurant, ang eat-all-you-can ngApung Kula’s, at ang smorgasboard ng Iron Horse.  Sampolan at lasapin ang sarap ng Davao cuisine tulad ng kinilaw na isda at iba’t ibang seafoods tulad ng  crabs, tahong at hipon, sari-saring inihaw, at handaan favorites tulad ng lumpia at pancit.  Pati na rin desserts na durian pie at guinataan!
 
Salubungin ang bagong taon sa isang masaganang kainan ngayong darating na Martes sa Pop Talk, 10 PM sa GMA NewsTV!
Tags: plug