ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

The off-screen life of Sexbomb pioneer Rochelle Pangilinan


Episode Airing January 14 7:55 PM on GMA News TV Channel 11 Ngayong Sabado sa Follow That Star, sundan ang buhay sa likod ng camera ni Rochelle Pangilinan – ang isa sa “pioneer” at itinuturing na leader ng grupong Sex Bomb.   Marami ang bilib sa husay ni Rochelle sa pagsasayaw. Bata man o matanda ay  napaindak sa mga pinauso niyang dance moves. Pero kahit matagal na niya itong ginagawa, hindi pa rin daw maiiwasan ang maaksidente. Nakuhanan ng Follow That Star si Rochelle na nadapa sa production number sa kanyang TV guesting. Kahit matindi ang sakit na naramdaman, para kay Rochelle,  the show must go on pa rin.   Maswerte raw siya dahil kahit nagkanya-kanya na ang miyembro ng sikat na sing and dance group, nananatili pa ring masigla ang kanyang showbiz career. Naabutan siya ng Follow That Star sa pictorial para sa bagong soap opera ng GMA, ang Broken Vow kung saan gaganap siya bilang kontrabida.   Sa tagal ni Rochelle sa industriya, abangan sa Follow That Star kung anu-ano na nga ba ang naipundar niya. Kahit minsan tila pataas at pababa ang kanyang career, ibabahagi ni Rochelle kung paano niya pilit pinapataas ng pataas ang kanyang dedikasyon at staying power sa napiling trabaho.   Kilalanin si Rochelle Pangilinan sa Follow That Star, Sabado, 7:55 PM sa GMA News TV.