ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Wanted: Sweetheart sa 'Reel Time'
REEL TIME VALENTINE EPISODE Wanted: Sweetheart Airing date: February 12, 2012

Ano'ng panama ni Boy Pick-up kung sa mga pang-malakasang hirit pa lang, tiyak na mahuhulog ka na kay Papa Dan --- ang resident kupido ng Baranggay LSFM ng GMA-7! Hindi siya maginoo, at lalong hindi rin siya bastos! Pero tuwing sasapit ang alas-nuwebe ng gabi, mabentang-mabenta ang programa niyang Wanted: Sweetheart! Wala raw silang pinipili pagdating sa kanilang callers: mahirap ka man o mayaman, basta ang importante, game kang ma-in love! At para maunawaan kung paano nga ba binubuo ang kanilang programa: binisita namin ang kanyang patok na programang Wanted: Sweetheart, at dito, nadiskubre naming "it's complicated" pala kapag paghahanap ng sweetheart ang pag-uusapan! Sa ginawa naming pagmamanman, natuklasan namin ang sikreto sa likod ng programang nagpapakilig sa imahinasyon ng maraming tagapakinig! Samahan na si Papa Dan, ang makulit na kupido sa Reel Time presents Wanted: Sweetheart, ngayong Linggo na, 8:45 ng gabi sa numero unong news channel sa bansa: GMA News TV Channel 11.
Tags: plug
More Videos
Most Popular