ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Totoong 'small lady,' kikilalanin sa Bawal ang Pasaway


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
"Small Lady" At Iba Pang Isyu Airing date: Feb. 22, 2012
 
Sa taas na 6'1" marami ang maituturing ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali bilang "small lady," kabilang na si Prof. Solita Monsod.
 
Sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie, sinukat ng dalawa ang kanilang taas at napatunayan na dahil matangkad at malaki ang pangangatawan ni Rep. Umali, marami ang maituturing nitong "small lady."
 
Pinangangatawanan ni Rep. Umali na totoong may "small lady" na nag-abot sa kanya ng mga dokumentong may kinalaman sa dollar accounts ni Chief Justice Renato Corona. 
 
Hindi raw ito nahagip ng CCTV ng Senado dahil ito ay naganap sa loob ng Padilla Room, kung saan walang camera.  
 
Samantala, tinutulan naman ng mga beteranong abogado ang kahilingan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na itigil na ang impeachment trial dahil nakalilimutan na ng gobyerno ang iba pang mahahalagang isyu ng bansa. 
 
Ang dapat daw gawin ay huwag nang bigyan ng mikropono ang Senator-judges, at sa halip ay isulat na lamang ng mga ito ang kanilang mga tanong na babasahin na lamang at sasagutin ng mga testigo.
 
Isang nakatutuwang definition of terms din ang isasagawa ng programa sa mga man-on-the-street para malaman kung nauunawaan nila ang mga sinasabi ng mga abogado at mambabatas sa impeachment.
 
Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie, tuwing Miyerkoles ng gabi, ika-walo sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug