ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Isang Araw Bilang Ilaw, ngayong Lunes sa 'Best Men'


BEST MEN Mothers Day Special: Nanay for a Day Airing date: 14 May 2012 Ang mga ilaw ng tahanan ang bida ngayong darating na Lunes sa Best Men! Magkakaroon ba ng mga Tunay na Lalaki tulad ng Best Men kung wala ang ating mga dakilang nanay?  Samahan ang dynamic trio ngayong Lunes sa isang espesyal na pagpupugay sa sakripisyo ng magigiting at huwaran nating mga nanay mula sa kanilang pagbubuntis, pagpapalaki ng bata at pagiging ilaw ng tahanan! Sa kabila ng matinding sakit at sakripisyo na dulot ng pagbubuntis, ika nga mga nanay, "hindi maipapaliwanag angsayang nadarama matapos mailuwal ang kanilang nasa sinapupunan".  Dahil nga raw sa tindi ng dinaranas na labor pain o sakit sa pagluluwal ng bata, 'di hamak na mas mataas daw ang pain tolerance ng mga babae kumpara sa mga lalaki ayon sa isang pag-aaral sa Australia. Bakit ibayong atensyon at pagmamalasakit ang kailangang ipadama ng mga mister sa kanilang nagdadalantaong misis? At bakit nga ba ganoon na lang kasungit at mabilis mairita ang mga buntis? Para malinawan ang mga kalalakihan sa pinagdaraanan ng mga babae sa kanilang pagbubuntis at pagiging isang nanay, susubukan nina RJ, Jace at Jun V ang maging isang ina sa loob ng isang araw! Kayanin kaya ni RJ at Jace ang trabaho sa loob at labas ng bahay habang sila ay may tiyan ng isang siyam na buwang buntis? At matiis kaya ni Jun V ang sakit ng ulong dulot ng pagiging isang substitute nanay sa isang pamilyang may siyam na supling? Ano kaya ang leksyong matutunan ng ating paboritong trio sa pagiging isang ina? Isang kakaibang episode ng pagsaludo at pagkilala sa ating mga nanay ang inyong matutunghayan ngayong Lunes, 10:30 ng gabi sa GMA News TV Channel 11!
Tags: plug