ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Mang Mantika,' mabibigyan ng 'Day Off!'
Bawal magtulog mantika sa araw na ito dahil oras na ng bonggang day off ng ating masipag na mantika vendor na si Gil Namoc!
Sina Ken Chan at Maey Bautista —- handa nang maging kusina warriors bilang paghahanda sa trabaho ng tinaguriang Mang Mantika ng Cainta, Rizal!

Idadaan sa maboteng usapan ang unang task nina Ken at Maey. Makayanan kaya nila ang ngawit habang naglilinis ng mga bote na paglalagyan ng mantika? Gaano kaya kahirap magbuhos ng galong-galong mantika sa sandamakmak na bote?
Magpupunta rin sila sa palengke para mag-repack at maglako ng tingi-tinging mantika sa plastic! Siguradong magmamantika na sina Ken at Maey sa dami ng trabahong ito. Pero ang mananalo, mabibigyan ng isang “crispy” reward.
More Videos
Most Popular