Filtered By: Newstv
NewsTV
'Tunay na Buhay

Patong-patong na pagsubok sa buhay ng Pamilya Alpa


TUNAY NA BUHAY
PAGSUBOK NG PAMILYA ALPA
SEPTEMBER 23, 2020?

Para sa sinumang magulang, hamong maituturing ang pagkakaroon ng anak na may special needs. Paano pa kaya para sa mag-asawang Emely at Elvin --- na tatlo ang anak na may Down Syndrome at isa ang may Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD.

 
Pero sa kabila nito, sama-samang hinaharap ng pamilya ang mga hamon ng buhay. Tulong-tulong sila sa kanilang maliit na negosyo na t-shirt printing. Si Cybastian na may ADHD, nagtatrabaho rin bilang rider sa isang online delivery service. Ang pilit na binubuno ng pamilya, anim na daang libong Piso para sa operasyon ng bunsong si baby Genesis. Bukod kasi sa Down Syndrome, isinilang din siya na may komplikasyon sa puso.

 
Isang pamilya na pilit kinakaya ang mga dumadating na pagsubok, basta't sila'y sama-sama.
 
Samahan si Pia Arcangel na sundan ang kanilang kuwento ngayong Miyerkules sa Tunay na Buhay, 10:30 PM sa GMA News TV.

Tags: tunaynabuhay