Filtered By: Newstv
NewsTV
'New Normal'

Mga talentadong chikiting, kilalanin sa ‘Family Time’!


 

Family Time
Talentadong Chikiting
October 2, 2020

Sa murang edad nagsisimula ang hilig ng mga bata. Minsan, may mga batang nagiging henyo sa napili nilang hobby. Kilalanin ang ilan sa mga talaga namang magagaling na batang ito!

Teknikal at mabusisi ang paggawa ng mga cabinet o lamesa. Kaya ang hilig ng 15-
year-old na si Eir sa pagkakarpintero, all out ang suporta ng mga magulang niya.
Siyempre, hindi niya puwedeng pabayaan ang kanyang pag-aaral.

Katakam-takam naman ang mga gawa ni Wayne. Ang batang kusinero ng Bohol
kayang-kaya nang magluto ng Bicol express, chicken curry at iba’t ibang mga putahe. Kasama ang kanyang Tito Rio, nagiging bonding na rin ang oras nila sa kusina.

Sa edad na apat na taon, ano ang kadalasang hilig ng mga bata? Para kay JM, ang
dambuhalang makinarya ang nagustuhan niya. Operator ng backhoe ang kanyang ama at sa laking gulat nilang mag-asawa, walang pag-aalinglangan si JM sa pagpapaandar nito!

Hindi magpapahuli ang batang si Janyra. Walang formal training at walang piyesa perokapag tumugtog ng piano parang eksperto ang dating. Nakakagulat din kapag
malamang visually-impaired pala siya.

Siguradong hahangaan ang mga talentadong chikiting ngayong Biyernes 915pm dahil
Family Time is the best time!

(English)

Meet several talented kids on Family Time! A 4-year-old who fearlessly operates a
backhoe, a teenager who can create impressive furniture and a visually-impaired child
who can effortlessly play the piano with no formal training are just some of these
amazing kids. All of these and more this Friday, 915pm because Family Time is the best time!

Tags: familytime