ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Amazing Betong bilang Body Modification Artist sa ‘Day Off’


Replay Airing Date: June 16, 2012 Karaniwang nagiging pagsubok sa mga palabas ang pagpapalagay ng belly ring o di kaya’y brow ring.  Nakita na rin sa telebisyon ang pagsubok ng pagpapalagay ng mga tattoo.  Pero paano naman kaya kung ang challenge ay pagiging body modification artist, mismo? Tunay na kakaibang sitwasyon ang kalalagyan ng Celebrity Sole Survivor na si Amazing Betong ngayong darating na Sabado sa “Day Off” ng GMA News TV 11!  Ipapamalas niya ang kanyang amazing body piercing and tattooing skills! Samantala, sasamahan ng “Day Off” host na si Pekto ang isang award-winning at masipag na body modification artist sa isang bakasyon grande sa Alaminos, Pangasinan kasama ang kanyang pamilya! Mapapanood ang Day Off tuwing Sabado, 6:10 pm sa GMA News TV 11. Maari niyo ring sundan ang Day Off sa Twitter at Facebook.