ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kargador ng gulay sa 'Day Off'


DAY OFF Kargador ng Gulay Episode Airing Date:  July 28, 2012 Isa nanamang nakakatuwa at nakakatawang "Day Off" ang hatid ng tambalang Pekto at Isabel Oli ngayong Sabado.  Sa episode na ito, si Isabel ang nakatokang sumama sa Day Off winner sa isang engrandeng bakasyon. Si Pekto naman ang hahalili sa trabaho ng Day Off winner bilang kargador ng gulay sa Balintawak Market.  Mapapasabak si Pekto kasama ng komedyanteng si Boobay sa pag-ani ng gulay, pagbalot nito hanggang sa paghatid sa palengke. Tunghayan ang masasayang tagpo "Day Off" ngayong Sabado, 6:15 ng gabi sa GMA News TV! Sundan ang Day Off sa Facebook at sa Twitter.

Tags: plug