ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Isabel Oli and Boobay as toasted siopao makers on 'Day Off'

Patok at pinipilahan ngayon ng karamihan ang ang kakaibang uri ng siopao. Iba sa nakasanayan, ang siopao na ito ay hindi steamed kundi tustado. Sikat sa tawag na toasted siopao, ito'y may palaman na asado pero sa halip na malambot ay malutong na tinapay ang bumabalot dito. Ngayong Sabado sa Day Off, aalamin nina Isabel Oli at Boobay ang sikreto ng kakaibang tsibog na ito. Haharap sila sa iba't ibang pagsubok para makagawa ng perfect toasted siopao.

Kikilalanin din ang pinakamahusay na baker ng toasted siopao. May angking kasipagan, mabuting kalooban at responsableng padre de pamilya, siya ang ating toasted siopao maker na si Rommel Marasigan!

Bilang gantimpla kay Rommel, isang engrandeng bakasyon sa La Union ang kaniyang mararanasan kasama si Pekto at ang kaniyang buong pamilya.
Abangan ang lahat ng aksiyon at tikman ang sarap ng buhay sa Day Off, August 24, Sabado, 6PM sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular