ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Julie Anne at Dasuri, makikipagbuno sa mga pulgas at garapata sa 'Day Off'  


Airing Date: Saturday, August 8, 2015



Ang mga pulgas at garapata ang numero unong problema ng mga dog lover. Madalas pinandidirihan ang mga ito at hindi hinahawakan, pero ibahin ninyo ang Day Off Winner natin ngayong Sabado.

Meet Marco Antonio, isang all-around helper sa isang pet shop sa Quezon City. Sisiw lang daw sa kaniya ang problema pagdating sa mga pulgas at garapata. Kung ang karamihan ay dinadaan sa mga gamot ang mga nakakairitang pulgas at garapata, si Marco, manu-mano kung makipagbuno sa mga ito gamit lamang ang kaniyang mga kamay. Mula sa katawan ng mga aso, ang mga pulgas at garapata walang lusot kay Marco.

Nakadidiri man para sa marami, hindi na 'yan alintana ni Marco dahil sa trabahong ito niya binubuhay ang kaniyang mga mahal sa buhay.



Kaya para sa kaniyang Day Off, hiling ni Marco ay mapaligaya sila kahit isang araw lang. Isang massage na hiling daw ng kanyang ina. Seafood dish na paborito ng kaniyang asawa at swimming activity para sa kanyang panganay na anak.

Samantala, abangan kung papaano haharapin nina Julie Anne at Dasuri ang mga hamon sa trabaho ng manu-manong pangunguto at pagtangal ng pulgas at garapata sa mga alagang aso sa isang barangay sa Quezon City. Dito lang 'yan sa Day Off, Sabado, 6:15 PM, sa GMA News TV.
Tags: prstory