ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Isang bangkera, bibigyan ng 'Day Off'


DAY OFF
Isang Bangkera, bibigyan ng “Day Off”
Date of Airing: February 20, 2016

Kilala ang San Pablo City, Laguna bilang  “City of Seven Lakes" dahil sa pitong lawa na matatagpuan dito.

Isa sa mga ito ay ang lawa ng Pandin sa Barangay Sto. Anghel. Dahil sa taglay na kagandahan at payapang kapaligiran, dinaragsa ito ngayon ng mga turista, Pinoy man o banyaga. Noong 2005 itinatag ang isang samahan ng mga kababaihang nakatira rito para sabayan ang umuusbong na turismo sa komunidad. Ang mga babaeng miyembro ng samahan ang nagsisilbing tour guide at taga-sagwan ng mga balsang sinasakyan ng mga namamasyal na dayuhan. Isa sa masisipag na bangkera si Merlyn Monserrat.

Sampung taon ng bangkera sa lawa ng Pandin si Nanay Merlyn. Mahirap man ang paghila ng balsa na sinasakyan ng mga turista ay matiyaga itong ginagawa araw-araw ng limampu't pitong gulang na bangkera. Bukod sa pagsasagwan ng balsa, sinasayawan at kinakantahan pa niya ang mga turista. Dahil dito, si Nanay Merlyn daw ang binabalik-balikan at most requested nila.

Ngayong Sabado, makakasama ni Nanay Merlyn si Boobay para sa isang 'di makalilimutan at well-deserved na Day Off. Mula sa lawa, dadalhin siya ni Boobay  sa Calatagan, Batangas. Pangarap daw kasi ni Nanay Merlyn na makapagpahinga sa isang tahimik na resort at makasama ang mga anak sa pamamasyal.

Habang nagbabakasyon si Nanay Merlyn, dalawang diwata ang magpapatalbugan para gawin ang trabaho niya. Sasabak ang Kapuso actress na si Max Collins at ang Day Off host na si Mike “Pekto”  Nacua sa matitinding hamon bilang mga bangkera sa lawa ng Pandin. Nakaabang na rin ang mga hipon, isda, maging ang gata para sa isang matinding cook-off ng mga putaheng ihahain nila sa mga turista. Mula sa hatol ng mga turista, sino kaya sa kanila ang tunay na diyosa at sino ang impostora?

Abangan ang lahat ng ito ngayong Sabado sa Day Off, 6:10 PM  sa GMA NEWS TV.

 

 

 

Tags: plug, dayoff