ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Assistant baker, makakatikim ng 'Day Off'


Day Off

Quim's Cake

May aftermath pa ang Eleksyon 2016 sa Day Off. Dahil ang feeling presidentiables na sina Miriam College Defensor-Santiago at Grace Pole, may ipinaglalaban pa. Ang kanilang candi-cakes!

Yummy and mouthwathering man ang kanilang cakes wala pa rin itong binatbat sa kontrobersyal na Quim's Cake.

Pagkatapos manalo ni Incoming President-elect Rodrigo Duterte, naging viral sa social media ang screen grab ng isang post na kapag daw nanalo si Duterte ay mamimigay siya ng 5 million worth of cakes. Status ito ng Executive Pastry Chef ng Quim's Cake na si Jack Labang.

Para kay Chef Jack hindi seryoso at dala lang ng bugso ng damdamin ang post na ito kaya nagulat siya nang kumalat ito sa internet pagkatapos ng eleksyon. At tulad ng lahat ng nanalo sa eleksyon—kailangang tuparin niya raw ang kanyang pangako.

Kaya naman magiging magkakapartido sa baking sina LJ Reyes, Miriam College, at Grace Pole para humalili kay LJ Esplago, assistant baker ng Quim's Cake at Day Off winner this week.

Bago sumabak sa paggawa ng mahigit 6,250 Duterte cakes, bibigyan ng fantastic Day Off ni Dasuri Choi si LJ. Papasyal sila sa Queen City of the South, Cebu para sa action packed adventure sa Kawasan Falls, Moalboal, Sky Adventure at Sirao Garden.

Tiyak na exciting episode na naman ito. Kaya huwag itong palalampasin ngayong Sabado, 6:15PM ng gabi dahil siguradong... cake is coming!

Tags: plug