ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Isang ham maker, bibigyan ng 'Day Off'


 

Kung ham ang bida ng noche buena, si Francis Becoy naman ang bida ng Day Off ngayong Sabado. Sa loob ng dalawampung taon, ipinakita ni Francis ang kaniyang katapatan at kasipagan sa trabaho bilang isang factory worker.

Si Ken Chan ang tumanggap ng “ham”-mon para si Francis ay mabigyan ng “ham”-azing na bakasyon!

Sapat kaya ang lakas ni Ken para buhatin at hugasan ang pige ng baboy na “ham”-bibigat?! Handa na rin ang mga pambato ng factory para pataubin si Ken sa glazing at repacking ng ham. Makaligtas kaya si Ken sa parusang haharapin niya kapag hindi naabot ang quota?

Parang nanalo na rin si Francis sa Christmas raffle dahil sa mga ibibigay sa kanyang mga sorpresa!

Isang bonggang out-of-town trip ang inihanda para sa kaniya ng Day Off. Kasama niyang maglalamyerda si Maey Bautista sa tinatawag na “Bali of the South” sa Agoncillo, Batangas.

Magmo-moment ang buong pamilya sa Instagrammable hanging nests sa resort at haharap naman si Francis sa kanyang fear of heights sa 24-foot giant swing! Aapaw rin ang mga nakakatak-“ham” na pagkain para sa buong pamilya!

Damang-dama ang pasko ngayong sa Day Off ngayong Sabado, 6:15PM, sa GMA News TV!

Tags: dayoff