ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Ang mundo ng costume designing sa 'Fashbook'


FASHBOOK Airing date: September 12, 2012
 
Ngayong Miyerkules sa Fashbook, sisilipin ni Solenn Heussaff ang makulay at kamangha-manghang mundo ng costume designing.  Dadalhin ni Solenn ang mga manonood sa international hit musical na The Phantom of the Opera sa Cultural Center of the Philippines. Makakapayanam ng Fashbook host hindi lang ang producer kundi ang mga bida ng Phantom tungkol sa kanilang mamahalin at magarbong kasuotan sa nasabing musical. Silipin kung paano binuo at inaalagaan ang costumes na umaabot daw ng 14 million Australian dollars. 
 
Mula sa The Phantom of the Opera, aalamin rin ng Fashbook ang proseso naman ng mga local theatre groups tulad ng PETA pagdating sa costume design. Malalaman mula mismo sa mga bumubuo ng produksyon ng Bona na pinagbibidahan ni Eugene Domingo kung paano nakakatulong ang mga costumes sa pag-kuwento ng istorya sa entablado. 
 
Hindi lang 'yan, ibabahagi rin ng bagong Kapuso star na si Rafael Rosell kung ano ang sikreto ng kanyang porma at magandang katawan.
 
Mapapanood ang Fashbook ngayong Miyerkules,10:00 ng gabi sa GMA News TV.
Tags: plug