ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

S-List: Solenn's Must-Have Shoes


Para sa “Fashbook” host na si Solenn Heussaff, maituturing na “girl’s best friend” ang mga sapatos. Ika nga ng ilang fashionista, “shoes can make or break an outfit.” Para kay Solenn, kailangang pumili ng classic shoes para madaling ibagay sa iba’t ibang klase ng damit. Ang skin tone o nude na kulay raw ang pinakamadaling ibagay sa outfits. Ito ang ilang shoe essentials ni Solenn: Must-Have Shoe #1: Slippers Para kay Solenn, isa sa pinaka-importanteng klase ng sapatos ang tsinelas. Ginagamit kasi ito ‘di lamang sa bahay kundi pati na rin sa bakasyon. Aniya, black ang kulay ng tsinelas na bagay sa lahat, pero maganda rin daw ang makukulay na tsinelas para mabigyan ng “splash of color” ang outfits. Must-Have Shoe #2: Formal-looking flats Para kay Solenn, magandang magkaroon ng flat shoes na medyo pormal ang dating para mayroong maibabagay sa outfits na hindi masyadong formal katulad ng sundresses, shorts, at mini black dresses. Maganda rin kung may kaunting shine ang disenyo dahil bagay itong gamitin sa gabi. Must-Have Shoe #3: Pumps Ayon kay Solenn, kung bibili ng pumps, mas maganda kung mataas ang harapang bahagi ng sapatos, lalu na kung mataas din ang heels. Mahalaga ito dahil masakit isuot ang sapatos kung masyadong steep ang arko ng paa. Ang isa sa mga paboritong pares ng pumps ni Solenn ay ang nude-colored pumps, dahil maliban sa maraming mababagayan, nagbibigay rin ito ng ilusyon ng mas mahabang legs. Must-Have Shoe #4: Stilettos Ito ang itinuturing ni Solenn na pinakapormal niyang pares ng sapatos. Nude din ang kulay ng paborito niyang pares dahil sa dami ng binabagayan nito. Ayon kay Solenn, “every woman should have stilettos” dahit anong outfit ay nagiging bongga basta may stilettos dahil sa manipis na heel nito. Must-Have Shoe #5: Boots Ayon kay Solenn, "Sobrang love na love ko yung mga boots," kaya lang mahirap silang isuot sa Pilipinas dahil mainit. Dahil dito, ang napili niya ay casual boots na skin tone din ang kulay. Ang pinakamahalagang payo ni Solenn para sa pagpili ng sapatos: Siguraduhing comfortable ang mga ito. Mahalaga din daw na alamin kung anong mga damit ang meron sa inyong closet para bumagay ang mga ito sa sapatos na inyong bibilihin.