ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
S-List: Fashionable gift ideas
Alam na alam ng ating host na si Solenn na medyo mahirap talagang bumili ng mga regalo para sa mga kaibigan at family members. Lalu na kung last minute ang gagawin niyong Christmas shopping, mahirap nang mag-isip ng ipangreregalo at nagkaka-ubusan na. Kaya naman sa S-List na ito, bibigyan niya tayo ng mga mura pero fashionable na gift ideas.
Ngunit bago magsimulang mag-shopping, kailangan mayroon kayong listahan ng mga bibigyan ng regalo at ng inyong ideas para sa mga ibibigay sa kanila. Sa pamamagitan ng ganitong paghahanda, mababawasan ang oras niyo sa mall, hindi na malilito sa dami ng pagpipilian, at hindi rin maiipit sa mahahabang pila.
Magandang regalo ang gardening tools para sa mga mommy na mahilig sa mga halaman at gardening. Pero ang naiiba sa mga gardening tools na ito ay ang design, dahil printed ang mga ito! Kung hindi naman gustong gamitin ang mga ito, pwedeng gawing decoration sa bahay. 

Para naman sa mga kapatid o kaibigan na babae, may mga nauusong accessory holders ngayon na mura lang pero siguradong magagamit. 

Isa pang bagay na pwedeng iregalo sa mga kaibigan, mga kapatid, o kahit sa mga magulang ay ang bath sets na nabibili ngayon. Magandang ipangregalo ito dahil maliban sa siguradong magagamit, “pang-travel (din) if you’re going out of town for Christmas.” 

Para sa mga tatay, magandang regalo ang mga fashionable necktie. Sa mga araw naman na hindi niya gagamitin ito, maaari itong hiramin para isuot bilang belt!
Dahil bawal na gumamit ng plastic ngayon, magandang magdala na ng sariling eco bag. Ito ang isa sa mga paborito ngayon ni Solenn dahil “super light, pwede rin (ilagay) sa bag niyo, or pang-dekorasyon (sa mga bag).” Cute, mura, at siguradong magagamit pa ng inyong pagbibigyan!
Ang panghuling payo ni Solenn para sa inyong gift shopping: Iwasang magbigay ng mga regalo na nagpapaalala sa kanila ng kanilang mga trabaho o gawaing bahay. “Dapat something that makes them feel special” ang iregalo sa mga mahal sa buhay ngayong Pasko. — Grace Gaddi/CM, GMA News TV
More Videos
Most Popular