Fashbook goes to Bellaroca!
Isang espesyal na pagtatanghal ang ihahatid ng Fashbook ngayong Miyerkules ng gabi dahil bibisitahin ng host na si Solenn Heussaff ang isa sa pinaka-eklusibong bakasyonan dito sa Pilipinas, ang Bellarocca Island sa Marinduque.
Ang Bellarocca Island ay isang spa at resort na nahahalintulad sa sikat na Greek Island na Santorini. Tulad ng Santorini, ang mga istruktura sa Bella Rocca ay kulay puti rin at nakatayo malapit sa dagat. Ang presyo ng pagbisita rito ay nagkakahalaga ng $680 hanggang $2,200 o P89,000 kaya naman itinuturing ito na isa sa pikapaboloso at stylish na resort dito sa ating bansa.
Sa kanyang pagtuloy sa Bellarocca, isa sa activities na susubukan ni Solenn ay ang wind surfing. Malapit kay Solenn ang water sports na ito dahil ang kanyang ama mismo ang nagdala ng wind surfing dito sa Pilipinas. Titikman din ni Solenn ang iba’t ibang specialty dishes na inihahain sa Bellarocca resort at sisilipin ang mga magagarbong kuwarto nito.
Para sa S-List naman, ituturo ni Solenn ang dalawang klase ng beach look. Ang isa ay ang hair at makeup na naaayon sa umaga at ang isa naman ay ang beach night look para sa mga may planong dumalo ng beach parties.
Ibabahagi at imo-model rin ni Solenn ang kanyang paboritong sexy swimsuits at magbibigay din siya ng ilang tips sa pag-suot ng sexy bikinis at beachwear.
Mapapanood ang Fashbook tuwing Miyerkules, 10:00 PM, pagkatapos ng SONA sa GMA NewsTV.