ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Follow That Star: Alden Richards


FOLLOW THAT STAR: ALDEN RICHARDS
Airing date: July 7, 2012  
“Bata pa lang ako, dream ko na talagang maging pilot, parang ang sarap ng pakiramdam na ikaw yung nagmamaneho ng sobrang laking sasakyan.” Kung hindi siya artista ngayon, ito raw marahil ang tinahak na career ng Kapuso heartthrob na si Alden Richards.  
Bagamat malayong-malayo raw ito sa kanyang ginagawa ngayon, hindi pa rin daw niya inaalis na balang araw ay matutupad din niya ang pangarap na ito. Pero hindi naman daw siya nagsisisi sa piniling karera bilang isang artista.  
Isa sa mga pinagkakaabalahan ni Alden ngayon ang taping ng kanyang bagong teleserye, ang  One True Love.  Makulit at maloko pala itong si Alden, kapag daw kasi may nakikitang natutulog sa set ay binibidyuhan o kaya ay pinipiktyuran ang mga ito, at ang kalimitang biktima niya ay ang mga staff and crew.   Pero seryoso naman daw si Alden pagdating sa actingan. Sa isang eksena kung saan katambal niya ang beteranang aktres na si Jean Garcia, game na game siya sa eksena kung saan kailangan siyang sampalin ni Jean. Ayon pa kay Alden: “Kasi ang dream ko po talaga masampal ng mga big stars eh. So natupad na po yung isang dream ko.”
Bukod sa pagiging pilyo, hindi rin alam ng marami na may pagka-OC o obsessive compulsive si Alden pagdating sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. Pero may naitutulong naman daw ang pagiging OC niya, lalo na pagdating sa pera. Sinisigurado niya na organized  at nakaayos lagi ang paggastos niya. Kaya naman marami ang nagsasabi na kuripot daw si Alden.
Ulila na si Alden sa ina, apat na taon na raw ang nakakaraan ng pumanaw ang kanyang nanay. Isa sa mga tumatayong nanay-nanayan ni Alden ay ang kanyang personal assistant na si Mama Tenten. Kwento raw ni Alden na pangarap daw ng kanyang nanay na maging artista ang anak. Nakakalungkot daw na hindi nasaksihan ng kanyang tunay na nanay ang pangarap na unti-unting natutupad ng  kanyang anak.
Ang buhay sa likod ng camera ni Alden Richards ay mapapanood sa Follow That Star, Sabado, 7:55PM sa GMA News TV.
Tags: plug