ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Follow That Star: Chynna Ortaleza
FOLLOW THAT STAR: CHYNNA ORTALEZA
Airing date: July 28, 2012 

Karamihan ng artista, mahilig sa mamahalin at de-tatak na damit pero iba ang Kapuso star na si Chynna Hortaleza, dahil suki raw siya ng ukay-ukay! Shopping haven daw para sa kanya ang mga ukay-ukay dahil bukod sa mura mas sigurado ka pang walang katulad ang porma mo. Isinama ni Chynna ang Follow That Star kung saan siya mismo namimili, talaga namang ang galing niya maghanap ng unique na outfit. Hindi na ito nakakapagtaka dahil nag-aral pala si Chynna ng Styling sa Fashion Institute of the Philippines. Certified fashionista raw siya mula sa pananamit hanggang sa kanyang hairstyle. Hindi raw siya takot na mag-eksperimento ng ib a’t ibang ayos at kulay ng kanyang buhok. Sa kanyang role bilang kontrabida sa Luna Blanca, hairstyle na boy’s cut at kinulayan pa ng pula ang kanyang buhok.
Isinama rin ni Chynna ang Follow That Star sa kanyang mga gimik. Kapag hindi busy sa trabaho, mahilig daw magpa-spa si Chynna. At ang kanyang favorite ay ang fish spa! Ibinababad muna ang mga paa sa isang aquarium na maraming isda pagkatapos ay kakagatin ng mga isda ang paa, gagamitan ng scrub at mae-exfoliate na ang dead skin cells.
Pagkatapos ng kanyang “me” time, isinama ni Chynna ang Follow That Star sa lakad naman niya at ng kanyang boyfriend na si Railey Valeroso. Sa youth-oriented show na Click unang nagkakilala sina Railey at Chynna. Noong una nga raw ay hindi type ni Chynna ang pagiging tahimik ni Railey. Ang binata naman, masungit ang first impression sa dalaga. Pero sabi nga nila, the rest is history. Siyam na taon na ngayon ang kanilang relasyon.
Abangan ang buhay sa harap at likod ng camera ni Chynna Ortaleza sa Follow That Star, Sabado, 7:55 PM sa GMA News TV.
Tags: plug
More Videos
Most Popular