ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Follow That Star: Ethel Booba
FOLLOW THAT STAR: ETHEL BOOBA
Airing date: October 13, 2012
Tinawag siyang “pasaway”, nasangkot sa maraming eskandalo at naging usap-usapan ang kanyang personal na buhay. Pero para sa singer, host at sexy comedienne na si Ethel Booba, nagpapakatotoo lang naman daw siya.
Galing sa mahirap na pamilya si Ethel Gabison. Lumaki siya sa Tondo at panganay sa pitong magkakapatid. Para makatulong sa kanyang pamilya, sa edad na 12, pumasok siya bilang singer sa karaoke bar. Dumating ang kanyang “break” nang sumali siya sa isang singing contest. Bukod sa kanyang boses, pinag-usapan ang kanyang mga sexy outfit. Idol daw niya kasi noon si Rufa Mae Quinto sa pelikulang Booba. Dito rin niya nakuha ang kanyang pangalan na Ethel Booba.
Nagtuloy-tuloy ang pagsikat ni Ethel nang maging co-host siya ng reality show na Extra Challenge. Pinauso niya ang mga katagang “bawal ang pasaway”. Pero nang mawala sa ere ang programa, tumamlay din ang career ni Ethel.
Sa ngayon ay lumalabas pa rin siya bilang guest sa ibat't ibang TV shows. Patuloy pa rin ang kanyang gig sa mga comedy bars kung saan din siya nagsimula. Sa kabila ng mga negatibong isyu kay Ethel, marami ang hindi nakakaalam na isa siyang mabait na anak at kapatid. Siya pa rin ang sumasagot sa pagpapaaral ng kanyang mga kapatid at nagsusustento sa pangangailangan ng kanyang nanay.
Tuwing Sabado o Linggo, kapag kumpleto ang kaniyang pamilya, sama-sama raw silang nagluluto at kumakain sa bahay ni Ethel at siyempre, diretso gimik kasama ang kanyang mga kapatid.
Isinama rin ni Ethel ang Follow That Star sa foundation na kanyang tinutulungan, ang Child Haus Project. Tuwing birthday ni Ethel ay pumupunta raw siya rito para magbigay ng pagkain at regalong laruan sa mga batang may sakit na cancer.
At hindi pa rin nawawala ang pagka-adventurous ni Ethel, archery at jiu-jitsu naman daw ang bago niyang trip!
Ang buhay sa likod ng camera ni Ethel Booba ay mapapanood sa Follow That Star, ngayong Sabado, 8:00 PM sa GMA News TV.
Tags: plug
More Videos
Most Popular