ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Follow that Reporter!


FOLLOW THAT STAR REPORTER Airing: December 8, 2012 IVAN MAYRINA
   Bago siya nakilala na isa sa mga batikang anchor at news reporter sa GMA, nagsimula si Ivan Mayrina bilang segment producer para sa programang Unang Hirit.  Aksidente lang daw ang pagiging on-cam reporter niya. Sa kasagsagan ng EDSA III, na-assign siya bilang segment producer ng reporter na si Jiggy Manicad. Naaksidente si Jiggy nang tamaan ng bato mula sa mga raliyista. Dahil kailangan ng magre-report, sa kanya ibinigay ang mikropono para i-ulat ang nangyayari. Ito raw ang kanyang unang break sa TV reporting. Bukod sa pagiging reporter, may sarili na rin siyang public-service program sa GMA News TV, ang On Call. Sa likod ng camera, isang fitness enthusiast pala si Ivan. Hilig niya ang biking, swimming at running. Tatlong beses sa isang linggo kung mag-ensayo si Ivan. At kapag may pagkakataon ay sumasali rin siya sa mga triathlon. Bukod sa pampatanggal ng stress, na-de-develop din daw ang disiplina sa tulong ng sports na ito. Kung hindi raw siya reporter, malamang ay isa siyang mekaniko. Hilig daw niya kasi ang magbutingting ng mga piyesa ng kanyang mga bisikleta at motorsiklo. Pagdating sa buhay pamilya, isang mabuting asawa at ama si Ivan sa kanyang dalawang anak. Ang 6 years old na si Elias at 4 years old na si Vera. PIA ARCANGEL Bago siya naging news reporter ng GMA, nagsimula bilang UAAP courtside reporter ng Ateneo Blue Eagles si Pia Arcangel. Ngayon ay araw-araw na siyang napapanood bilang isa sa mga host ng Unang Hirit. Isa rin siya sa mga anchor ng 24 Oras Weekend Edition at Balitanghali sa GMA News TV.  Ang sportscaster na si Mico Halili, ang bumihag sa puso ni Pia. Nakilala niya raw ang kanyang kabiyak sa kanyang dating trabaho. At kahit parehas silang busy, sinisigurado nila na nagagampanan nila ang kanilang tungkulin bilang daddy at mommy sa kanilang 6 years old na anak na si Mickey. Magdaraos din ng kanyang birthday sa darating na Sabado si Pia at may sorpresa raw si Mico at si Mickey sa kanilang love na mommy. Ang buhay sa likod ng camera nina Ivan Mayrina at Pia Arcangel ay mapapanood sa Follow That Star Reporter, 8:00 PM sa GMA News TV.