ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Follow That Reporter: Mariz Umali and Raffy Tima Wedding


FOLLOW THAT STAR REPORTER: MARIZ UMALI AND RAFFY TIMA WEDDING Nagtagpo ang kanilang mga landas sa GMA. Si Raffy bilang news reporter at si Mariz naman ay kakapasok pa lang noon bilang intern. Dahil parehas ang trabaho, hindi maiiwasan na maging close sa isa’t isa. Naging mag-best friends pa nga ang turingan ng dalawa.   Aminado si Raffy na si Mariz ang kanyang “dream partner” dahil matalino at maganda ang dalaga. Pero tinago nalang daw ni Raffy ang paghanga kay Mariz dahil may boyfriend pa siya noon.   Nang maghiwalay si Mariz at ang kanyang boyfriend, hindi na nag-aksaya ng pagkakataon si Raffy. Isang taon niyang sinuyo at niligawan si Mariz hanggang sa nakamit na niya ang matamis na “oo."   Nitong nakaraang Sabado lang idinaos ang magarbong kasalan nina Raffy at Mariz. Dinaluhan ito ng kanilang mga mahal sa buhay at malalapit na kaibigan. Kasama ang Follow That Star sa espesyal na araw na ito.   Sinamahan din ng Follow That Star ang bagong kasal sa isa kanilang mga paboritong bonding activity, ang diving. Binisita rin nila ang lugar kung saan lumaki si Raffy sa Zambales.   Ang kasalang Raffy at Mariz ay mapapanood sa Follow That Star Reporter, Sabado, 8:00 PM sa GMA News TV.