ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mag-inang Pilita Corales at Jackie Lou Blanco tampok sa 'Follow That Star'


FOLLOW THAT STAR
Airing Date: September 21, 2013
 
Ngayong Sabado sa Follow that Star, sundan ang buhay ng kuwelang mother and daughter tandem nina Pilita Corrales at Jackie Lou Blanco.

 
High heels, full-makeup, flawless skin, at signature hairstylesa edad na 74, "ageless" na ‘ika nga ang kanyang kagandahan. Wala ring kupas ang kanyang galing sa pag-awit, institusyon na siyang maituturing sa industriya ng musika sa Pilipinas. Namayagpag din siya sa ibang bansa kaya naman binansagang Asia's Queen of Songs.
 
Kakabit ng pangalan ni Pilita ay ang kanyang nag-iisang anak na babae na si Jackie Lou  Blanco. Sumabak sa mundo ng showbiz simula pa nung siya’y katorse. Naging TV host, gumawa ng mga pelikula, at bumida sa mga teleserye. Isa rin siyang kolumnista sa diyaryo at fitness enthusiast.
 
Matalik na magkaibigan ang turingan ng mag-ina.  Abangan ang kanilang bonding moments sa Follow That Star mula sa pagsa-shopping, food trip, at maging ang paborito nilang wine tasting.  Isang kakaibang pagkakaibigan, tiyak maraming sikreto ang mabubunyag. Ipasisilip din ni Jackie Lou ang bago niyang bahay.
 
Mapapanood ang Follow That Star ngayong Sabado, September 21, 8 PM sa GMA News TV.