ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Sundan ang buhay ni Camille Prats sa 'Follow That Star'


Date of Airing:  January 4, 2014, 8:00 PM


 
Once a princess, always a princess. Bagay ang linyang ito kay Camille Prats dahil isang tiara ang ipina-tattoo ni Camille sa kanyang paa. Bata pa lang nang sumabak si Camille sa pag-aartista at nakilala bilang Princess Sarah, isang papel na ginampanan niya sa pelikulang may kaparehong pamagat na siya mismo ang bida.  Tumatak na sa isip ng mga manonood ang kanyang karakter hanggang sa siya ay nagdalaga. Naging mahirap man ang pagpapalit ng imahe niya mula sa wholesome hanggang sa mature roles ay nalagpasan niya ito sa suporta na rin ng kanyang pamilya. Malapit si Camille sa kanyang mga magulang at kapatid. Magkasundo sila ng kanyang mommy pagdating sa kusina kaya naman magpapasiklaban ang mag-ina sa pagluluto ng chicken curry na favorite ng kanyang daddy. Sa gym naman ang bonding ng magkakapatid na Prats. May mga ibubuking kayang sikreto ang mga kapatid ni Camille tungkol sa kanya?
 
Hindi man naging happy ever after ang kanyang lovelife dahil maaga siyang nabiyuda, masaya naman si Camille sa piling ng kanyang munting prinsipe na si Nathan. Hands-on mom si Camille sa kanyang anak. Ipinagmamalaki niya ang pagkahilig ni Nathan sa arts. Sa katunayan, isang malaking painting ang ibinigay ng anak kay Camille noong Valentine's Day.


 
Hindi alam ng marami na pangarap ni Camille ang maging pediatrician pero hindi natuloy ang kanyang pagdodoktor kaya naisipan niyang magtayo ng isang eskuwelahan. Inilaan daw niya ang malaking bahagi ng kanyang ipon para sa kanyang negosyo. Kilalanin ang isang kakaibang Camille bilang entrepreneur sa Follow That Star kung saan makikipag- bonding siya sa mga chikiting at magbibigay ng school tour.
 
Sundan ang buhay-artista ng forever princess na si Camille Prats ngayong Sabado sa Follow that Star, ika-walo ng gabi sa GMA News TV.
Tags: plug