ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Bestfriend na mang-aagaw ng boyfriend, tampok sa 'Karelasyon'

Para sa mga nag-iibigan, ang pagbabakasyon nang magkasama ay isang pagkakataon upang maging mas malapit sa isa’t isa at lumalim ang kani-kanilang nararamdaman.
Ngunit sa mga bakasyong ito, may makikilala’t makakasamang ibang tao na maaring bumago sa direksyon ng relasyon.
Ang bading na si Mico, nagbalik sa Pilipinas mula Saudi para ipasyal ang kaniyang boyfriend na si Madi.
Masaya si Mico na ipakilala at ipagmalaki ang nobyong Arabo sa lahat ng kanyang mga kaibigan lalong-lalo na sa kaniyang bestfriend na si Jane.
Pero ang pagiging tour guide ng BFF ni Mico kay Madi, magiging dahilan pala para siya ang ma-etsa pwera!
Kapalit ng isang dayuhang hindi pa niya lubos na nakikilala, isusugal nga ba ni Jane ang matagal na nilang pagkakaibigan ni Mico?
Si Jane na kaya ang magiging paraan para mapagdesisyunan ni Madi na sa babae lang niya nais makipagrelasyon? Mas mabuti pa kayang magpaubaya na lang si Mico at hayaang magkamabutihan ang dalawang taong ito na espesyal sa kaniya?
Isa na namang kapanapanabik na kwento ang inyong matutunghayan sa Karelasyon!
Samahan si Ms. Carla Abellana ngayong Sabado, September 26, 2:30 PM pagkatapos ng Eat Bulaga.
Tags: prstory
More Videos
Most Popular