ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Tuyo Recipes', 'Supersize Food', at iba pang kuwento sa Good News
GOOD NEWS June 17, 2012 (Replay episode) TUYO RECIPES Itinuturing na "poor man's dish" ang tuyo. Pero ngayon, ang paborito ng maraming Pinoy, puwede na rin daw gawing sosyal! Alamin ang mga gourmet dish na pwedeng magawa gamit ang tuyo! PLASTIC BOTTLE RECYCLING Isa raw sa pinaka-pinoproblemang uri ng basura ay yung mga plastic --- kasama na ang plastic bottles. At para makabawas ng basura, may mga bonggang paraan naman pala para muling magamit ang mga ito. Sa ganitong paraan, hindi ka lang nakakatulong sa kalikasan, nakakatipid ka pa. At ang bonus, puwede mo rin itong pagkakitaan. WONDER VINEGAR Isa sa mga reyna ng kusina ang suka. Pero hindi lang daw pang kusina ang powers nito. Samahan si Love Añover sa pagkilala sa marami pang asim na hatid ng suka sa ating buhay. SUPERSIZE FOOD Hindi na raw in ang bitin! Kaya naman usong-uso ngayon ang mga gahinganteng pagkain. Titikman ni Bea Binene ang mga ito, at paniguradong mabubusog pati kayo.
More Videos
Most Popular