ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Buko recipes at pista ng pinya sa 'Good News'


Bukong-Buko ang Sarap!

Ang bukong hitik sa sustansiya't linamnam...bibida sa isang masarap na lutuan.  Tikman ang pansit  na ginamitan ng buko strips bilang noodles. At ang creamy sauce nito? Walang iba kundi ang gata! 

Bonggang Bag

Dahil malapit na ang pasukan, hatid ni Love Anover ang mga school bag na hindi binibili, kundi ginagawa! Madali lang gawin ang stylish bags mula sa lumang polo, palda, kurbata, at sako ng bigas.  Ang mga bonggang bag na ito, hindi lang mapakikinabangan sa eskwela, pati sa pamporma, ang mga ito'y bumibida!

Pista ng Pinya

Ibinibida ng isang bayan sa Laguna ang napakatamis nilang pinya! Kaya naman tuwing buwan ng Mayo, isang masayang pista ang nagbibigay-pugay sa prutas na ito.  Silipin ang mga kakaibang paligsahan at palaro...gaya ng palakihan ng pinya at pabilisan sa pagtatalop nito.
 
Tara na sa Tarlac!

Para maghuling hirit ngayong tag-init, papasyal naman tayo sa Tarlac, kung saan ang kagandahan ng kalikasan ang bumibida. Mula sa isang paliguan na pinagsamang falls at pool hanggang sa isang kuwebang tinambayan ng mga sundalong Hapon noong World War II, siguradong hindi kayo mabibitin sa inyong nature-tripping!
 
Choco Loco


Ang pang-feel good na tsokolate, pwedeng i-enjoy sa sari-saring mga paraan. Mula sa mga cute na figurine...hanggang sa mga life-size sculpture, ang tsokolate pwedeng ihulma ayon sa nais na disenyo. Dumayo rin kami sa isang spa na ang bentahe...mga service na ginagamitan ng tsokolate!
Tags: plug