ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Authentic ramen at chili recipes sa 'Good News'


Ramen Rocks
 
Ngayong malamig ang panahon, masarap humigop ng mainit na sabaw... Lalo na ‘yung galing pa sa bansang Hapon! Kasama ni Good News Girl Bea, titikman natin ang mga authentic ramen, alin kaya sa kanila ang patok sa ating panlasa?
 
Chili Recipes
 
Ang dating sangkap na pampaanghang lang, ngayo’y bibida na sa hapag-kainan. Tikman ang tamis-anghang ng adobong siling haba, at ang kakaibang sipa ng relyenong sili. Hindi rin naman magpapatalo ang siling labuyo sa pagpapaanghang ng isang kakaibang meryenda!
 
Prito Perfect
 
Ang pagpiprito, hindi lang basta-basta; may mga technique para magawa ito nang maganda. Mula sa isda at gulay, hanggang sa baka't baboy, aalamin natin ang tamang paraan ng pagpiprito para ang pagkain, masarap lasapin!
 
Bigyang Ningning ang Dingding
 
Ang dingding na boring, gagawin nating amazing sa pamamagitan ng D-I-Y wall art. Gamit ang mga simpleng materyales gaya ng karton ng tissue paper roll, lumang magazine at cartolina, makakagawa na ng mga dekorasyong mukhang mamahalin pero napakagaan sa bulsa!
 
Poncho Panalo
 

Ngayong rainy season, pwede pa ring maging in sa fashion kalimutan muna ang pagsusuot ng karaniwang jacket, dahil ang effective na panangga sa lamig, pwedeng isang stylish outfit. Tara’t alamin kung paano gumawa ng poncho mula sa mga lumang damit!