ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Tips para makatipid at makaipon ngayong bagong taon
Sa pagpasok ng panibagong taon, hindi palalampasin ng maraming Pinoy ang pagpaplano at paggawa ng kanilang New Year’s resolutions. Ito raw kasi ang panahon upang mabago ang hindi magagandang asal o pag-uugali na kanila nang nakasanayang gawin.
Isang resolution na laging present sa listahan ng mga Pinoy ay ang pagtitipid at pagpapalago ng kanilang pera. Kaya naman para tiyaking maisasakatuparan ang New Year’s resolution na ito, ibinahagi ng isang finance expert na si Carmen Serina ang ilang practical money-saving tips na puwedeng gawin ngayong taon.
1. Magkaroon ng breaks sa paggastos.
Para ma-monitor ang paggastos, mainam na markahan ang kalendaryo sa tuwing may inilalabas na pera. Maaaring magpalipas ng ilang araw bago muling maglabas ng may kalakihang halaga. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang araw-araw na pagwawaldas, lalung-lalo na sa mga bagay na hindi naman gaanong kailangang pagkagastusan.
2. Huwag gumastos para sa mga hindi kinakailangang bagay.
Mahirap tanggihan ang isang bagay na nakakuha ng iyong atensyon habang namimili sa mall o sa supermarket. Kaya naman para siguraduhing maiiwasan ang “impulse buying” o pagbili ng mga bagay na hindi naman dapat paglaanan ng malaking pera, mainam na maghanda ng shopping list bago umalis sa bahay.
Pairalin din ang “10-second rule” sa tuwing bibili ng mga gamit. “‘Pag meron kang nais bilhin, hawakan mo. Tanungin mo ang sarili mo, ‘Kailangan ko ba ‘to o kapritso lang ba ‘to? Tsaka na lang pag may extra na ako,’” ani Serina.
3. Maglista ng expenses sa isang journal.
Sa pamamagitan ng paglilista ng iyong mga gastusin sa isang journal, naipaplano nang mabuti kung saan dapat mapunta ang iyong pera. Mainam na ilista kaagad ang mga bagay na dapat pagkagastusan sa loob ng tatlong araw hanggang isang linggo, kaakibat ng perang ilalaan para sa mga ito.
Huwag kaliliimutang ilista kahit ang mga pinakamaliliit na bagay na balak mong paglaanan ng pera. Sa ganitong paraan, mapag-aaralan mo kung saang area ka maaaring makatipid at makaipon (halimbawa, sa pagbili ng mga damit, o kaya sa paglabas kasama ang mga kaibigan).

4. Simulan ang araw nang busog at masaya.
Napatunayan na ng mga eksperto na malaki ang benepisyo ng breakfast o almusal ‘di lamang sa kalusugan kundi pati na sa pangkalahatang outlook ng tao sa buong araw. Kaya naman ayon kay Serina, hindi dapat ito inii-skip at dapat ay paglaanan ng oras at panahon.
Tandaan: Para maiwasan ang maya’t mayang paggastos sa mga chichirya o snacks, mainam na siguraduhing busog ang tiyan sa umaga.
5. Kahit paunti-unti, mag-ipon araw-araw.
Ayon kay Serina, mas epektibo ang patuloy na pag-iimpok kahit maliit o barya lamang ang iniipon para ma-establish na habit ang gawaing ito.
6. Mamalagi sa bahay imbis na lumabas.
Makabubuti para sa isang nag-iipon ang pamamalagi sa bahay imbis na gumala kasama ang mga kaibigan. Kung nais silang maka-bonding, maari namang imbitahan na lamang ang mga ito na manood ng DVD o paboritong palabas sa telebisyon imbis na gumastos nang malaki sa panonood ng sine at pagsho-shopping.
7. Magbigay ng maliit na self-reward mula sa naipong pera.
Hindi naman masamang bigyan ng maliit na pabuya ang sarili kung sa tingin mo ay naging maganda ang resulta ng iyong pag-iimpok. Maaring bumili ng ilang accessories o kaya ay i-treat ang sarili sa paboritong restaurant.
“Kapag ikaw ay may naitabi na, maaari ka nang gumastos for a little happiness in your life,” ani Serina. Ang pagbibigay ng self-reward ay maaaring gawing motivation upang mas makaipon pa sa mga paparating na araw. —Donna Allanigue/CM, GMA News
Tags: webexclusive, newyear2014
More Videos
Most Popular