ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Road trip resorts at corn recipes, bibida sa 'Good News'
AIRING DATE: March 24, 2014
AIRING TIME: 8:00 PM
Road Trip Resorts

Hindi kailangang sumakay ng eroplano para sa bakasyong panalo. Sa pamamagitan ng road trip, pwede nang abutin ang mga high-end resort na may kakaibang mga tema. Pasyalan ang islang unanginayos ng mga Kastila at ang isang bakasyunang binibidahan ng mga lumang bahay.
Corny Recipes

Sa kusina, maging wais, subukang isangkap sa paglulutoang mais! Mula soup at appetizer hanggang dessert, gigida ang lasa’t sustansiya ng gulay na ito na siguradong magpapagana sa buong pamilya.
Forget Me Not
Ang problema ni mommy na pagiging makakalimutin, aming pagtutuunan ng pansin! Kung mahalaga ang pag-eehersisyo ng katawan, importante rin ang pag-e-exercise ng utak. Sa tulong ng isang expert, inalam naming ang isang simpleng brain workout para lalong tumalas ang inyong memorya!
Fusion Food Trip
Ang mga paborito nating putahe, ipinagsama sa mga pagkaing doble ang sarap. Tikman ang pizza na pinatungan ng malulutong na street food! Sigurado rin daw kayong mabibighani sa pinagsanib na lasang bibingka at waffle. Lasapin ang two-in-one linamnam ng fusion cuisine!
Homemade Skin Treatments
Ngayong tag-init, maraming sakit sa balat ang nagsisilabasan. Kaya ang aming solusyon, hindi ang mga nagmamahalang gamot, ngunit mga D-I-Y skin treatment na magaan na sa bulsa, madali panggawin!
Tags: plug
More Videos
Most Popular