ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Mga kitchen ingredient na mabisang pangontra sa body odor, alamin sa 'Good News'

GOOD NEWS
LINEUP FOR AUGUST 24, 2015
Goodbye, Body Odor!
Ang 'di kanais-nais na amoy na mula sa kili-kili, paa at hininga, kayang puksain ng mga gamit na matatagpuan sa kusina! Alamin kung paano mapapagana ang powers ng suka at kalamansi laban sa putok. Ang bad breath naman, nakahanap ng katapat sa parsley, cinnamon, at fennel seeds! Sa mga may alipunga, don't despair; to the rescue ang tsaa, asin at baking soda!
Sweet Surprise!
Ang mga panghimagas na ating kinababaliwan, nag-level up sa linamnam. Dahil ang bagong labanan...ang matatamis nilang palaman! Tikman ang puto na may surpresang blueberry and cream cheese sa loob. Siguradong sweet and refreshing naman ang handog ng ice cream-filled mochi. Pati ang isang Italian dessert, ang cannoli, meron ding itinatagong sweet goodness sa loob.
Super Saver!
Para matulungan ang kabataan na makapag-ipon, sari-saring tip ang aming ibabahagi. Maski may mga gastusin sa eskwela, pwede pa ring makapagpatabi ng pera. Halimbawa ay ang 52-week challenge kung saan kada linggo ang pag-iipon. Para maiwasan ang luho, meron ding 30-day challenge para ma-train sila sa pagtitipid! Ituturo rin namin kung paano ang epekitibong hatian ng allowance pero hindi ito magastos agad!
Pag-asa sa Kakulangan
Nakilala ng Good News ang mag-asawang may natatanging kakayahan sa gitna ng kanilang kapansanan. Sina Ali at Connie, parehong biktima ng polio pero araw-araw pa ring kumakayod alang-alang sa kinabukasan ng kanilang pamilya. Silipin ang kanilang buhay na maski may kalungkutan, ay nag-uumapaw rin sa pag-asa.
Quinoa, Type Kita!
Kalimutan muna ang kanin, dahil para sa mga health-conscious, ang quinoa na raw ang patok na pagkain. Ang pagkaing ito na mula sa South America--aba, unti-unti na raw sumisikat sa ating bansa! Totoo nga bang mas bongga ang health benefits nito kumpara sa kanin? Alamin ang masarap na katotohonan...pati na rin ang ilang mga quinoa recipe na inyong kagigiliwan!
More Videos
Most Popular