ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Naglalakihang braso, bibigyang solusyon ng 'Good News'


Bonggang Braso!
Ang naglalakihang mga braso, may solusyon sa mga simpleng gawaing bahay. Ang simpleng paggamit ng mop, basahan, at pagkuha ng mga damit sa sampayan, pwedeng itodo ang effort para maehersisyo ang mga braso. Aalamin din natin ang mga teknolohiya na tumutulong sa pagpapaliit ng ating arms!


Cool Kutsara
Ang kutsara, hindi lang katulong sa hapag-kainan! Dahil pati sa larangan ng pagpapaganda, ito rin ay maaasahan. Alamin kung paano gamitin ang kutsara sa panghupa ng eyebags at tigyawat, pamapaganda ng balat at paglalagay ng nail polish. Siguradong mapapasubo ka sa aming beauty tips!


Lolo Pedicab
Kikilalanin natin si Mang Clemente, isang 69-year-old pedicab driver na walang tigil pa rin sa pagpapadyak. Sa kaniyang edad, masipag niyang binubuhay ang anak at apo sa araw-araw niyang pagkayod. Alamin ang pagsasakripisyo niya sa ilalim ng init ng araw para mabigyan ng kaginhawaan ang mga mahal sa buhay.


Waffle Wonders
Ang paborito nating almusal na waffles, binigyan ng nakakabusog na twist! Tikman ang waffle na pina-meaty ng giant burger patty--ang Wafflewich! Tuturuan din namin kayo ng waffle-ful recipes tulad ng Waffle Pops at Thai Chicken Waffle. Ang dating breakfast food, pwede nang all day lantakan for all-day energy!

 
Muffin Meals
Ang mga muffin pan, hindi lang swak sa baking, kungdi pati na rin sa mga ulam at iba pang fun recipes para sa buong pamilya! Ating matututunan kung paano gawin ang energy-boosting breakfast na Strawberry Pancakes, ang nakakabusog na Lasagna Rolls, at ang perfect ipartner sa kanin na Homemade Meatloaf, gamit ang versatile baking tool na ito!

 
Tags: pr, prstory