ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pagkaing Pamasko with a twist, ihahain ng 'Good News'


Pagkaing Pamasko

 


Tuwing Pasko, hindi mawawala ang mga paborito nating kakanin tulad ng puto bumbong at bibingka! At para mas lalong ma-enjoy ang mga pagkaing ito, binigyan ito ng mga twist that you won't be able to resist! Tikman ang kakaibang sarap ng Putong Bumbong Cake na natagpuan namin sa isang bakery. Sa Good News Kusina naman, aalamin natin kung paano lutuin ang Puto Bumbong Rolls gamit ang lumpia wrapper! Ang two-in-one kakanin na Bibingkasol na pinaghalong bibingka at espasol, matututunan din natin kung paano lutuin!

 

Kalook-alike Pasyalan

 


Hindi na kailangang lumabas ng bansa para magpapicture gamit ang world-famous spots bilang background! Dahil dito mismo sa Pilipinas matatagpuan ang mga kalook-alike ng mga ito. Alamin kung saan matatagpuan sa bansa ang mala-Cristo Redentor statue sa Rio de Janeiro sa Brazil; ang old ruins sa Athens; at ang hagdan-hagdang architecture ng Santorini! Biyahe na ngayong bakasyon!

 

Fruitcake Finds

 



Dahil mahihilig tayong mga PInoy sa fruitcake, inalam namin ang iba pang mga version nito mula sa iba't ibang bahagi ng mundo. Mula Italy, umaariba ang Panettone. Yule Log naman ang tawag sa French version nito. Mula Germany, hindi rin magpapahuli ang stollen. Alamin kung saang mga kainan sa Maynila matitikman ang mga ito!

 

Libreng Almusal

 



Dahil hindi biro ang sumabak sa mga kalsada ng Maynila araw-araw, dinala ng Good News si Santa Claus at kaniyang elves sa mga taong madalas makaligtaan ang most important meal of the day. Mula sa matitiyagang pumipila sa MRT station at mga tricycle driver, hanggang sa isang taga-walis ng kalsada, biniyayaan namin ng agahan para meron silang all-day energy.  Ito kasi ang tunay na diwa ng pasko--ang pagbubusog sa ating mga kapuso with good vibes!

 

 

Tags: prstory