Personalized hand-lettered DIY project na may hugot, tampok sa 'Good News'
Gabi Recipes!
Ang gabi, suki na sa mga putaheng sinigang at laing. Pero meron pa itong ibubuga sa mga pagkaing kakaiba! Tikman ang pinagsamang sarap ng gabi at keso sa ice cream. Sa isang Chinese restaurant naman, patok ang gabi na sinamahan ng seafood. At kung gusto n'yong subukang magluto ng unique gabi recipe, ituturo namin ang Indian dish na Taro Leaves Fritters!

Love for Laman-Loob!
Dahil sadyang malikhain tayong mga Pinoy, pati ang mga laman-loob, nagagawa nating malinamnam. Sa Antipolo, matitikman ang adobong pinagbibidahan ng bahay-itlog ng manok na sinahugan din ng balun-balunan, atay at guya. Sa Antipolo rin matitikman ang mga putaheng ginagamitan ng itlog ng isda. Mula naman sa Nueva Ecija ang Tinumis, ang kanilang version ng dinuguan.

Share-cation!
Para maranasan ang bakasyon engrande, hindi kinakailangang mamulubi. Para hindi mabutas ang bulsa, solusyon ang pakikipaghati ng bakasyon sa iba! Binisita namin ang isang vacation house sa Zambales, kung saan ang tanging kapit-bahay mo ay si Inang Kalikasan. At sa amenities nitong handog, feeling senyora ka agad pagpasok mo pa lang sa pribadong bakasyunan. Sa Subic naman, natagpuan namin ang resort na swak pambarkada. Handog nito ang sangkatutak na activities na pwedeng ma-enjoy nang libre.

Sinulatang Obra!
Tama nga si titser na dapat maganda ang ating penmanship, hindi lang para madali itong mabasa, pero para rin magamit ito sa mga obra! Mga hand-lettered D-I-Y projects ang ating pagdidiskitahan na swak ipangregalo ngayong kapaskuhan. Ang mga bag, pouch, wall decor at plant display, mabibigyang buhay ng inyong penmanship. Personalized na, madali pang gawin!
