Do-it-yourself accessories mula sa bato, ituturo sa 'Good News'
Best of Batanes, Pak na pak na Pakwan, Pusuan ang Bato
Lunes* March 13, 2017
8 PM SA GMA News TV

The Best of Batanes!

Mula sa capital city ng Batanes na Basco, samahan natin si Maey Bautista mag-bangka patungong Sabtang Island. Dito makikita ang tradisyunal na pamumuhay ng mga Ivatan na napreserba hanggang ngayon. Mula sa mga bahay na bato, binisita rin ni Maey ang naggagandahang beach ng isla. Pati ang pagtikim ng mga local dish, hindi niya pinalampas! Pero ang tumatak sa kaniyang isipan ay ang mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga Ivatan. Ano kaya ang Good News niya galing Batanes?
Pakwan-tastic Recipes!

Ang pakwan na pamatid-uhaw, perfect ding pantawid-gutom ngayong tag-init! Tuloy po kayo sa Good News Kusina kung saan ituturo namin ang kakaibang Tinolang Manok na pinasarap, hindi ng papaya, kungdi ng pakwan! Pati ang paborito nating Ilocano dish na pakbet, bibigyan natin ng pakwan twist. Kung naubusan na ng pakwan, ang balat nito, pwede ring gamitin for dessert. Alamin natin kung paano!
Bato, Bato, Pick!

Ang dinadaan-daanan at tinatapak-tapakan na mga bato, bibida sa mga proyektong hindi nakakabatong gawin! Gamit ang mga bato, makakagawa ng mga pampaganda ng tahanan gaya ng patungan ng maiinit na kawali, doormat at accessories organizer. Sa larangan naman ng fashion, pwede itong gawing pendant ng kwintas--isang nakakatuwang project na pwedeng pagkakitaan!
Abangan ang magandang balita ni Vicky Morales ngayong Lunes sa "Good News," 8 PM sa GMA News TV.