ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

DIY school supplies, ibibida sa 'Good News'



GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES

D-I-Y School Supplies!


Huwag hayaang magtampo ang lumang school supplies! Sa kaunting D-I-Y, pwede ulit silang magamit sa panibagong school year. Ang mga lumang bag at notebook, bibigyan natin ng bagong design at buhay. Imbis na bumili ng pencil case, ba't hindi subukan ang simple naming proyekto gamit ang plastic bottles? Nabawasan mo na ang plastic pollution sa mundo, natuwa pa ang bulsa mo!

Student-Friendly Eats!


Para ganahan ang mga bagets bumalik sa eskwela, heto ang aming ibibida: mga kainang may libre para sa masisipag na estudyante. Mula sa magtatahong nagbibigay ng pop quiz, hanggang sa kainang nagbibigay ng libreng rice meal sa mga naka-perfect ng exam, siguradong makamemenos gastos ang mga mag-aaral basta sila'y magsikap!

Back-to-School Pasyalan!


Maski pasukan na, patuloy ang pamamasyal kasama ng mga chikiting. Si Bea Binene ang bahala sa pagdiskubre ng mga lugar na hindi lang fun, educational pa! Sa isang trampoline park, bukod sa paglundag ay pwede ring hasain ang math skills. Bumisita rin siya sa isang techo park na ibinibida ang kaalaman sa science and technology. Sa isa namang play area, pwedeng tuparin ng mga chikiting ang mga pangarap nilang maging doctor, firefighter, at marami pang iba!

Cute Pambaon!


Para ganahan ang chikiting sa kaniyang baon, hatid namin ang mga sandwich recipe na hindi lang madaling gawin, aprub pa ang mga ito sa paningin! Gamit ang mga simpleng sangkap, kayang-kaya mo ring gumawa ng mga sandwich na hugis kuwago, teddy bear, at school books! Siguradong maaaliw ang inyong anak sa sorpresang naghihintay sa kaniyang lunchbox.

To the Rescue sa Sirang Sapatos!


Maraming bahagi ng bansa ang walang maayos na pampublikong transportasyon, kaya ang ilang mga estudyante, naglalakad papuntang eskwelahan. Pero paano na kung ang kaisa-isang pares nilang sapatos, biglang nasira? Ito ang isinigawa naming social experiment sa isang shoe store kung saan ang aming kasabwat, isang estudyanteng nagkunwaring nasiraan ng sapatos. May tutulong kaya sa kaniyang makabili ng sapin sa paa?