ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Hamon ng Lupa


HAMON NG KALIKASAN: LUPA DECEMBER 6, 2012, 10:00 PM, GNTV   Naging laman ng balita noong 2010 ang dambuhalang uka sa lupa na lumamon ng 3-storey building sa bansang Guatemala. May lapad itong labingwalong metro at lalim na katumbas ng gusaling may tatlumpung palapag. Marami ang nag-akala na edited o peke ang larawan dahil sa hugis at laki ng uka.

Pero ayon sa imbestigasyon, resulta ito ng tropical storm Agatha na ilang araw ding nanalasa sa Guatemala. Ang matinding buhos ng ulan na nagpalambot sa lupa ang naging dahilan ng pagbagsak nito kaya nagkaroon ng uka sa lupa na kung tawagin ay sinkhole. Pero hindi lamang sa ibang bansa nagkakaroon ng sinkholes. Noong Pebrero ng taong kasalukuyan, nagkaroon din ng sinkhole sa Dumanjug, Cebu. Ang uka na nagsimula lamang na kasing-laki ng kaldero, sa kalaunan ay lumaki ng hanggang 10 x 8.5 meters. Kadalasan, hindi napapansin ang sinkhole kundi pa biglang gumuho ang gusali o kalsada na nakatayo sa isang napipintong sinkhole. Pero paano nga ba ito nabubuo? Ano ang mga dahilan kaya nagkakaroon ng sinkhole? Bakit sinasabi ng mga eksperto sa lupa na maaaring magkaroon ng iba pang sinkhole sa Pilipinas dahil sa uri ng lupa na meron dito? Bukod sa mga sinkhole, may isa pang uri ng paggalaw ng lupa na kinatatakutan dahil sa mga eksenang nakikita natin sa pelikula – ang quicksand o kumunoy. Alamin kung saan-saan matatagpuan ang quicksand at kung totoo nga bang kaya nitong lamunin ang isang taong magkakamaling tumapak dito.  Samahan ang ekspertong totoo na si Nathaniel “Mang Tani” Cruz bukas, December 6, 10:00-10:30 PM sa GMA News TV para alamin kung handa na nga ba tayo para sa Hamon ng Lupa.