ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

May pagpapahalaga pa ba si Juan sa nakakatanda?


Episode Airing January 16, 2012 10:30 PM on GMA News  TV Sa darating na Lunes may isang hamon sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario para sa mga kabataan: may pagpapahalaga pa kaya ang mga kabataang Juan sa mga nakakatanda?   Tatlong social experiment aming ginawa. Sa Panahon ngayon may tutulong pa kaya sa mga matatanda kung sila’y tatawid sa mga pedestrian? O may mga bubuhat pa kaya ng mga mabibigat nilang gamit? Sa siksikan at hirap ng byahe sa mga MRT station uso pa ba ang magpa-upo sa kanila?   Ang mga katanungang ito mabibigyang linaw at susubok sa kagandahang asal ng mga Pinoy.   Alamin din kung saan nagmula ang mga salitang “po” at “opo”, ang kultura ng pagmamano at ang iba’t ibang katawagan tulad ng kuya, ate, ditse, ditso at iba pa na mga simbolo ng pagalang nating mga Pilipino.   I Juander…May pagpapahalaga pa ba si Juan sa nakakatanda? Lunes 10 ng gabi sa GMA News TV!