ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
IJUANDER: The Avengers, hindi nalalayo sa mga Pinoy superheroes
IJUANDER Airing May 7, 2012 at 10 PM
Hindi mahulugang karayom ang mga sinehan nito lang nakaraang Linggo. Inabangan at pinilahan kasi ni Juan ang pelikulang The Avengers! Kwento ito ng mga iba’t ibang superheroes na pinagsama sa iisang team para isalba ang mundo laban sa kasamaan. Hindi ito nalalayo sa mga tema ng mga Superherong Pinoy tulad ni Capt. Barbel at Darna na parating on-call para ipagtanggol ang mga inaapi. Pero I Juander…Bakit nga ba patok na patok kay Juan ang mga Superhero?
Sa katunayan ang ilan nating kababayan hindi lang nahihinto sa panonood ng sine at pagbabasa ng komiks… Ang iba’y isinasabuhay pa ang pagiging isang superhero! Si Bobby, siya raw ang man of steel ng Pilipinas! Kaya raw niyang bumali ng bakal gamit ang kanyang mga batok! Ang kanya raw balat kasing tibay daw ng asero hindi kasi ito nasusunog kahit pa maglakad siya sa nagbabagang uling.

Ipakuha na kay Ding ang inyong remote control ngayong Lunes alas diyes ng gabi… I JUANDER...BAKIT PATOK ANG MGA SUPERHERO KAY JUAN? Pagkatapos ng SONA. More Videos
Most Popular