ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
I Juander: Saan Nagmula ang Paniniwala ni Juan sa Kapre?
Saan Nagmula ang Paniniwala ni Juan sa Kapre? I Juander Air Date: August 6, 2012 Tall, dark and handsome--kung ganito ang manunuyo sa isang babae, malaki ang pag-asang makakamit nito ang matamis nitong "oo". Pero paano kaya kung tall, dark, hairy at scary???
Baka siya'y mapa-"Oh no!" Dahil isang palang kapre ang nagkakagusto sa iyo! Mabalahibo, mahilig manabako at pinaniniwalaang kapag nagkagusto sa isang dalaga ay hindi na raw nito tatantanan. Tulad na lang nang naranasan ng dalagang si Mau Balotro, tatlong tiyahin niya raw ang niligawan at ginambala ng kapre! At ngayon maging siya'y natitipuhan na rin nito! Sa tulong ng isang albularyo, matuldukan na kaya ang pamiminsala ng kapre sa pamilya ni Mau? At hindi lang daw sa mga probinsya at masukal na gubat naninirahan ang mga kapre. Maging sa mga sikat na landmark pinamumugaran daw ng ganitong halimaw! Totoo kaya ang kuwento na may kapre raw sa Aguinaldo Shrine at sa Malacañang??! Ang online traveller na si Bogart Da Explorer susubukang mag-"Kapre Hunting" kasama ang isang paranormal expert! Mahanap kaya nila ang kinatatakutang nilalang?
Pero saan nga ba nagsimula ang paniniwala ng mga Pinoy sa kapre? Alamin ang kasagutan sa tanong ni Juan sa "I Juander...Saan Nagmula ang Paniniwala ni Juan sa Kapre?" sa Lunes na, 10pm sa GMA NewsTV!
Tags: plug
More Videos
Most Popular