ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

I Juander: Saan nga ba nagmula ang paniniwala ni Juan sa hula?


Ang pagkapanalo ni Muhammad Ali sa makasaysayang Thrilla n Manila, maging ang tagumpay ni Fidel Ramos sa 1992 Presidential Elections, at pati na rin ang paghihiwalay ng Pangulong Noynoy Aquino at Councilor Shalani Soledad noong 2010, nalaman na raw di umano bago pa mangyari, sa pamamagitan ng kapangyarihan sa panghuhula ni Madam Auring! Si Madam Auring na siguro ang pinakamatunog na manghuhula sa ngayon sa Pilipinas at anya hindi raw sya nawawalan ng mga kliyente.  Labinlimang katao raw ang lumalapit sa kanya araw-araw at nagbabayad ng P2500 kada session para alamin ang kanilang kapalaran. At bukod kay Madam Auring kapansin-pansin din ang mga iba’t ibang manghuhula na nagkalat sa gilid-gilid pa mismo ng mga malalaking simabahan dito sa Maynila. Sa araw-araw na peryodiko at maging sa internet, may horoscope at mga prediksyon na sinusundan ang karamihang Juan. Nagpapatunay na buhay at tanggap ang panghuhula sa ating lipunan. Kaya I Juander: saan nga nagsimula ang paniniwala ni Juan sa hula? Sa isa na namang episode sa aming “Buwan ng Kababalgahan”, sa darating na Lunes susubukan ng I Juander alamin kung may katotohanan ba ang mga iba’t ibang uri ng panghuhula. Mula sa pag-gamit ng mga crystal ball, palm reading at mga baraha susuriin lahat ng ito kung totoo ngang may kakahayahan malaman ang gulong ng kapalaran o pawang lahat ng ito -- pachamba-chamba lang. Saan nagmula ang panghuhula?  Bakit patok ito sa bayan ni Juan? At kung totoo ang mga ito, saan nanggaling ang kanilang kapangyarihan? Hindi namin huhulaan ang mga sagot sa mga tanong na ito, bagkus aalamin ang totoong mga basehan tungkol sa panghuhula sa bayan ni Juan. I Juander… Saan nga ba nagmula ang paniniwala ni Juan sa Hula? Alas-diyes ng gabi sa GMA News TV.

Tags: pr