I Juander: Handa na ba si Juan magsuot ng swimsuit at trunks ngayong summer?
HANDA NA BA SI JUAN MAGSUOT NG SWIMSUIT AT TRUNKS NGAYONG SUMMER?
I JUANDER
Airing date: March 13, 2013
Sa init ng panahon, ano pa nga ba ang pipiliin ni Juan na destinasyon? Saan pa kundi sa lugar kung saan pwedeng pansamantalang mapawi ang init na nararamdaman niya - sa mga beach at swimming pool!
Pero I Juander, handa na ba si Juan magsuot ng swimsuit at trunks ngayong summer?
Pangarap mo bang magswimsuit ngunit nahihiya kang magpakita ng skin? May solusyon na raw d'yan - ang burqini, isang swimsuit kung saan tanging mukha, kamay at paa lang ang iyong makikita! I Juander, pumatok kaya ito sa mga tulad ng ka-Juander nating si Nikka na never pang nakapagsuot ng swim suit?
Abangan din si Sunnyrose, hindi man mala-hour glass ang hubog ng katawan pero kumikita raw dahil sa pagsusuot ng swimsuit!
At kung ang mga kababaihan, swimsuit ang kinahuhumalingan tuwing summer... Ang mga kalalakihan, trunks naman!
Pero lahat ba nang lalaking Juan kaya nang magsuot ng trunks?
At alamin, ano nga ba ang tradisyunal na damit panglangoy ni Juan? Mayroon pa bang nagsusuot nito rito sa Pilipinas?
At sa isang social experiment, sa isang maliit na resort na karaniwang t-shirt at shorts lang ang swimwear... I Juander, ano kayang magiging reaksyon ni Juan kung may makiki-join sa kanilang kuntodo swimsuit at trunks pa!
Simulan na ang summer sa panunuod ng "I Juander: Handa na ba si Juan magsuot ng swimsuit at trunks ngayong summer?" mamaya, alas-otso ng gabi sa GMA NewsTV!