ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
I Juander: Ano ang orihinal na summer fruits ni Juan?
I JUANDER: ANO ANG ORIHINAL NA SUMMER FRUITS NI JUAN?
I JUANDER
Airing date: March 20, 2013


I JUANDER
Airing date: March 20, 2013

Summer na naman! At tiyak ang hanap ni Juan, mga magpapawi ng init at ng kanyang uhaw!
Pero 'di na raw kailangan pang magtampisaw pa sa tubig dahil ang solusyon ng ilang Juan... ang kumain ng summer fruits!

Sa bayan ng Indang sa Cavite, may paborito raw meryendahin ang ka-Juander nating si Mang Arman - hugis niyog, kasinlaki ng sinigwelas pero lasang avocado. Nakatikim na ba kayo ng prutas ng galo? Mga ka-Juander, tikman din natin ang tinaguriang "King of All Fruits," ang dragon fruit!
Samahan sina Susan at Cesar sa isang kakaibang "Fruit Trip" ngayong Miyerkules, 8 PM sa I Juander ng GMA News TV channel 11!
Samantalang sa Laguna naman, ang kanilang mga summer fruit na ginagamit din sa pagluluto!
Tiyak mangangasim kayo sa sinigang sa katmon at mapapatagay rin kayo sa lambanog nilang may lipute?
Pero tila may humahabol din sa listahan ng mga summer fruit. Ano pa ba kundi ang pambansang prutas na mangga? Ito na nga kaya ang original summer fruit ni Juan?
Huwag din palagpasin ang iba't-ibang healthy recipe na pwedeng ihanda sa mga bata!
Nakatikim na ba kayo ng sosyaling fruit barbecue at fruit flambe?
More Videos
Most Popular