ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'I JUANDER:' Bakit nga ba mahilig mag-kape si Juan kahit mainit ang panahon?
I Juander
Airing Date: June 5, 2013

Para sa maaga gumising, sa nagsusunog ng kilay, o para sa gusto lang tumambay, ang pag-inom ng kape ay parte na nga ng pang-araw-araw nating pamumuhay kahit pa ngayong mainit ang panahon.
Kaya naman para mapunuan ang pagka-uhaw ni Juan sa inuming ito, nariyan ang iba’t-ibang mga pakulo gaya ng “unli coffee” at ang “piso kada baso!”
Pero kayanin kaya ng inyong sikmura at pati na rin ng inyong bulsa ang kape na gawa sa dumi ng elepante? Ang halaga nito halos limampung libong piso kada kilo!

Samantalang para naman sa mga naghahanap ng alternatibo, subukan ang kape na gawa sa malunggay, saging at durian!
Kilalanin din ang bayaning mahilig sa kape! At alamin kung aling probinsya nga ba ang itinuturing na coffee capital ng Pilipinas! Clue: hindi ito Batangas!
Abangan lahat ng 'yan ngayong Miyerkules, alas-otso ng gabi sa GMA News TV-11 at sabay-sabay nating sagutin ang tanong ni Juan: I Juander, bakit nga ba mahilig mag-kape si Juan kahit mainit ang panahon?

More Videos
Most Popular