ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

I JUANDER: Ano ang dahilan ng pagsali ng ilan sa mga frater nity at gang?


I JUANDER: Ano ba ang mapapala mo Juan sa pagsali sa mga Fraternity at Gang?
 


Kakasimula lang ng pasukan at tiyak marami na namang mga grupo ang nagre-recruit ng kanilang mga miyembro...

Isa nga diyan ang iba't ibang kapatiran sa bayan ni Juan! Pero tila kadikit na ng bituka ng mga fraternity at gang ang salitang karahasan! Dahil ngayong buwan din, mag-iisang taon na rin buhat ng mamatay ang isa sa mga biktima ng fraternity hazing --- ang freshman law student na si Marc Andre Marcos...

Kapatiran pa nga ba itong maituturing kung ito mismo ang maghahatid sa iyo kay kamatayan?!
At sa kabila ng mga latay at pasa na tinatamo ng kanilang mga miyembro...
..bakit marami pa rin ang naghahangad na makasali rito?

I Juander, ano ba ang mapapala ni Juan sa pagsali sa mga fraternity at gang?
 
Para malaman ang kasagutan, bumisita kami sa mga mundo ng mga Brod!
Pero napag-alaman din naming maging mga babae, lakas-loob ding hinaharap ang mga paghihirap para lang makasali sa kapatiran!

At silipin din natin ang teritoryo ng Hari ng Tondo --- si Asiong Salonga! Kahit patay na nga siya, tila buhay na buhay naman ang kanyang mga ka-tropang gangster!

Si Michael, sa edad na sampu, naging member na ng gang! Samantalang si Janice, sa halip na hirap, sarap daw ang kanyang pinili para lang maging sis!

At alamin din kung saan nga ba nagmula ang kultura ng mga fraternity at gang sa bayan ni Juan!
 
Samahan ngayong Miyerkules  sina Susan at Cesar sa isa na namang tanong na bibigyang kasagutan ng US International Film and Video Certificate for Creative Excellence awardee --- ang I Juander!
Tags: plug, ijuander