ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'I Juander:' Bakit itinuturing na tree of life ang niyog?
I Juander
Airing Date: September 4, 2013

Airing Date: September 4, 2013
May isang malaking pagkakaiba raw ang niyog kumpara sa ibang mga prutas at puno.

Dito, wala ka raw itatapon. Mula sa ugat nito na gamot daw sa pananakit ng kasu-kasuan; ang bark o pinaka katawan nito na gamit naman sa pagpapatayo ng mga gusali't bahay; ang mga dahon at bao ng niyog na ginagawang palamuti; at siyempre ang mismong prutas na paborito nating kainin!

Mga ka-Juander nakatikim na ba kayo ng palabok at spaghetti pero imbis na karaniwang noodles ginayat na laman ng buko ang ginagamit? Eh sinigang na may sahog na buko, keri niyo bang ulamin? Samahan ang online sensation group na La Churva sa pagluluto ng mga putaheng ito.

Samahan din ang bahista ng bandang Parokya ni Edgar na si Buhawi Meneses sa pagluluto ng mga putaheng may gata.

At maniniwala ba kayo na maging ang mga sikat na singer sa Hollywood gaya nina Madonna at Rihanna, nahihilig din sa pag-inom ng buko juice?
I Juander, ano nga ba ang magandang dulot nito sa katawan? Anu-ano pa nga ba ang silbi ng puno ng niyog na hindi pa natin nalalaman? At bakit nga ba sa dinami-rami ng uri ng halaman, puno ng niyog ang tinaguriang tree of life?
Abangan ang mga kasagutan ngayong Miyerkules sa "I Juander," 8 PM sa GMA News TV-11.
More Videos
Most Popular