ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
QUIZ: Kilala mo ba ang Pilipinas?
By Isabelle Laureta
Napapanood ang “iJuander” tuwing Miyerkules ng gabi, 8:00 PM sa GMA News TV-11. I-like ang Facebook page at i-follow ang Twitter account ng iJuander.
_______________________________________________________________________________
Tuwing sasapit ang summer, hindi maaaring hindi magbakasyon si Juan. Ito nga naman kasi ang tamang panahon para makapag-unwind at pasyalan ang iba’t ibang tanyag na summer destinations ng ating bansa.
Pero sa dami ng summer destinations sa Pilipinas, alin nga ba sa mga ito ang kaya mong pangalanan?
Hulaan kung anong mga lugar o probinsya ang tinutukoy ng mga larawan at tula. Tingnan sa susunod na pahina kung tama ang iyong mga kasagutan.
I.

Malinaw na tubig, puting buhangin,
Dagdag pa riyan ang sariwang hangin
Sa Kanlurang Visayas matatagpuan,
Sa probinsyang tinatawag na Aklan
Mapa-night life o swimming man,
Ang islang ito, tiyak na babalik-balikan
II.

Hindi matitinag ng anumang bagyo,
Dahil ang mga bahay gawa sa bato
Nasa dulong hilaga man ng Pilipinas,
Kahit sino’y wala pa ring mapipintas
Maituring man itong maliit,
Ang pagpunta rito’y talaga namang sulit
III.

Mahilig ka man o hindi sa tsokolate,
Swak pa rin ang lugar na ‘to sa iyong biyahe
Sa mga tarsier ay makipagkulitan,
Ang Chocolate Hills ay huwag ding kalimutan
Sa Central Visayas ito’y puntahan,
Huwag kalimutang kumuha ng larawan
IV. 
Namangha maging si Magellan,
Ang unang misa’y dito pinagtipunan
Sa mga beach ay hindi rin pahuhuli,
Pati sa mga simbahan na talagang natatangi
Makasaysayang lugar na itinuturing,
‘Queen City of the South’ kung tawagin
V.

Pinakamataas na bundok sa Pilipinas,
Dito’y makikitang walang kupas
Halina’t tikman ang mga durian,
Bahala na kung sumakit ang mga tiyan
Sa siyudad na ito sa Mindanao,
Tiyak puso mo’y mapupukaw
VI.

Kung adventure naman ang matipuhan,
Lugar na ito’y ba’t hindi puntahan
Underground River ay tahakin,
O kaya’y mga beach na pino ang buhangin
Ihanda na ang iyong mga mata,
Sa lugar na ‘sing ganda ng prinsesa
VII.

Palawan na rin lang ang usapan,
Ang reef na ito’y puwede ring subukan
Magagandang corals ay sisirin,
Iba’t ibang isda ay makikita rin
Makikita sa dagat ng Sulu,
Itsura nito’y tila ba paraiso
VIII.
Isang probinsya ng mga bundok,
Sa mga turista’y tiyak na patok
Dito’y masarap at malamig ang klima,
Mga sinaunang kabaong din ay makikita
Mga kuweba’y huwag kalimutan,
Ito’y hitik sa ating kasaysayan
IX.
Kung adventure sa Norte ang trip mo,
Tiyak hindi ka mabibigo rito
Probinsyang tinirhan ng mga Marcos,
Magagandang tanawin ay hindi mauubos
Sa Norte o Sur ka man magpunta,
Uuwi kang puno ng ligaya
X.

Mga alon ay malalakas ang daloy,
Kaya’t mga turista’y palaboy-laboy
Sa islang na ito ng Surigao,
Anumang problema’y matutunaw
Tunaguriang Surfing Capital ng Pilipinas,
Sa mga buhangin dito’y mag-iwan ng bakas Mga Sagot
I. BORACAY
II. BATANES
III. BOHOL
IV. CEBU
V. DAVAO
VI. PUERTO PRINCESA
VII. TUBBATAHA REEF
VII. SAGADA
IX. ILOCOS
X. SIARGAO
Narito ang ilan pang web-exclusive articles mula sa “iJuander”:
INFOGRAPHIC: Popular soup dishes in the Philippines
INFOGRAPHIC: Pinoy food combinations
The truth behind ‘tatak Pinoy’ traits
_______________________________________________________________________________
Tuwing sasapit ang summer, hindi maaaring hindi magbakasyon si Juan. Ito nga naman kasi ang tamang panahon para makapag-unwind at pasyalan ang iba’t ibang tanyag na summer destinations ng ating bansa.
Pero sa dami ng summer destinations sa Pilipinas, alin nga ba sa mga ito ang kaya mong pangalanan?
Hulaan kung anong mga lugar o probinsya ang tinutukoy ng mga larawan at tula. Tingnan sa susunod na pahina kung tama ang iyong mga kasagutan.
I.

Malinaw na tubig, puting buhangin,
Dagdag pa riyan ang sariwang hangin
Sa Kanlurang Visayas matatagpuan,
Sa probinsyang tinatawag na Aklan
Mapa-night life o swimming man,
Ang islang ito, tiyak na babalik-balikan
II.

Hindi matitinag ng anumang bagyo,
Dahil ang mga bahay gawa sa bato
Nasa dulong hilaga man ng Pilipinas,
Kahit sino’y wala pa ring mapipintas
Maituring man itong maliit,
Ang pagpunta rito’y talaga namang sulit
III.

Mahilig ka man o hindi sa tsokolate,
Swak pa rin ang lugar na ‘to sa iyong biyahe
Sa mga tarsier ay makipagkulitan,
Ang Chocolate Hills ay huwag ding kalimutan
Sa Central Visayas ito’y puntahan,
Huwag kalimutang kumuha ng larawan
IV.

Namangha maging si Magellan,
Ang unang misa’y dito pinagtipunan
Sa mga beach ay hindi rin pahuhuli,
Pati sa mga simbahan na talagang natatangi
Makasaysayang lugar na itinuturing,
‘Queen City of the South’ kung tawagin
V.

Pinakamataas na bundok sa Pilipinas,
Dito’y makikitang walang kupas
Halina’t tikman ang mga durian,
Bahala na kung sumakit ang mga tiyan
Sa siyudad na ito sa Mindanao,
Tiyak puso mo’y mapupukaw
VI.

Kung adventure naman ang matipuhan,
Lugar na ito’y ba’t hindi puntahan
Underground River ay tahakin,
O kaya’y mga beach na pino ang buhangin
Ihanda na ang iyong mga mata,
Sa lugar na ‘sing ganda ng prinsesa
VII.

Palawan na rin lang ang usapan,
Ang reef na ito’y puwede ring subukan
Magagandang corals ay sisirin,
Iba’t ibang isda ay makikita rin
Makikita sa dagat ng Sulu,
Itsura nito’y tila ba paraiso
VIII.

Photo by Pia Faustino
Sa mga turista’y tiyak na patok
Dito’y masarap at malamig ang klima,
Mga sinaunang kabaong din ay makikita
Mga kuweba’y huwag kalimutan,
Ito’y hitik sa ating kasaysayan
IX.

Photo by: Isabelle Laureta
Tiyak hindi ka mabibigo rito
Probinsyang tinirhan ng mga Marcos,
Magagandang tanawin ay hindi mauubos
Sa Norte o Sur ka man magpunta,
Uuwi kang puno ng ligaya
X.

Mga alon ay malalakas ang daloy,
Kaya’t mga turista’y palaboy-laboy
Sa islang na ito ng Surigao,
Anumang problema’y matutunaw
Tunaguriang Surfing Capital ng Pilipinas,
Sa mga buhangin dito’y mag-iwan ng bakas
I. BORACAY

- Mga ninuno nating ita ang unang nanirahan sa isla ng Boracay.
- Kinunan sa islang ito ang ilan sa mga eksena sa pelikulang “Too Late the Hero” noong 1970.
- Noong 2012, kinilala ang Boracay bilang isa sa best beaches sa buong mundo ng Travel + Leisure magazine.
II. BATANES

- Ang Batanes ang pinakamaliit na probinsya ng Pilipinas.
- Halos kalahati ng Batanes ay mga burol at bundok.
- Dahil malapit na ito sa bansang Tsina, ilan sa mga istasyon ng radyo na napakikinggan sa Tsina ay nasasagap na rin ng mga naninirahan dito.
III. BOHOL

- Ang Bohol ang tinaguriang “Jewel of the Philippines.”
- Ang Chocolate Hills ay gawa sa limestones mula sa coral reefs panahon ng ice age.
- Sikat sa Bohol ang tarsier. Alam mo bang ang utak ng tarsier ay mas magaan pa sa isa sa kanilang mga mata?
IV. CEBU

- Ang Cebu ang pinakamatandang probinsya sa Pilipinas.
- Nang dumating dito si Ferdinand Magellan, nagtulos siya ng krus bilang simbolo ng kanyang misyong ipalaganap ang Kristiyanismo. Tinatawag ito ngayong Magellan’s Cross.
- Tuwing Enero, dito ginaganap ang Sinulog Festival, na maituturing na Mardi Gras ng Pilipinas!
V. DAVAO

- Dito matatagpuan ang pinakamatayog na bundok sa Pilipinas, ang Mt. Apo.
- Bukod sa durian, kilala rin ang Davao dahil sa isa pang prutas – ang mangosteen!
- Ilan sa mga palayaw ng Davao: “Philippines’ Most Livable City,” “City of Peace and Prosperity,” at “Philippines’ Most Clean City.”
VI. PUERTO PRINCESA

- Dahil sa angking ganda ng mga tanawin, tinatawag na “The City in a Forest” ang Puerto Princesa.
- Ilan lamang sa rock formations na makikita sa Underground River ang imahe ng kabayo, kabute, at ang Holy Family
- Makailang beses na rin itong tinawag na “Cleanest and Greenest City in the Philippines.”
VII. TUBBATAHA REEF

- Nabuo ang Tubbataha Reef nang pumutok ang mga bulkan sa ilalim ng dagat 15 milyong taon na ang nakalilipas.
- Bukod sa mga isda, makikita rin ang iba’t ibang uri ng ibon sa kalupaan ng Tubbataha Reef.
- Mayroong halos 200 toneladang isda sa bawat isang kilometro kuwadrado sa Tubbataha Reef.
VII. SAGADA

- Ang Sagada ang isa sa kakaunting lugar kung saan napanatili ang katutubong kultura, marahil daw sa hirap nitong puntahan lalu na noong panahon ng Espanyol.
- Ilan sa mga kuweba sa Sagada ay dating tirahan ng ating mga ninuno. Makikita sa loob nito ang kulungan ng hayop na kanilang inaalagaan noon.
- Sikat na puntahan sa Sagada ang hanging coffins. Sinisimbulo raw ng posisyon ng mga kabaong dito ang pagmamahal ng pamilya sa mga yumaong nakaratay sa loob ng mga ito; kung mas mataas ang posisyon ng kabaong, mas mahal daw siya ng kanyang pamilya.
IX. ILOCOS

- Ilocano ang pangatlo sa pinakaginagamit na dayalekto sa buong Pilipinas, pagkatapos ng Tagalog at Cebuano.
- Dito ipinanganak ang ilan sa mga pinakakilalang personalidad sa Pilipinas, tulad nina Juan Luna at Gabriela Silang, at mga dating pangulong Fidel V. Ramos at Ferdinand Marcos.
- Sa Ilocos Sur matatagpuan ang pinaka mahabang religious oil painting sa Pilipinas. Ipinakikita rito ang 20 misteryo ng banal na rosaryo. Mayroon itong habang 150 talampakan at lapad na walong talampakan.
X. SIARGAO

- Hindi lang sa surfing tanyag ang Siargao kundi maging sa pangingisda! Maaaring makahuli rito ng tuna, mackerel, marlin, octopus at stingrays.
- Dito rin matatagpuan ang pinakamalawak na mangrove forest sa Mindanao.
- Kilala sa tawag na “Cloud 9” ang mga malalaki at matatapang na alon sa Siargao.—CM/GMA News
Narito ang ilan pang web-exclusive articles mula sa “iJuander”:
INFOGRAPHIC: Popular soup dishes in the Philippines
INFOGRAPHIC: Pinoy food combinations
The truth behind ‘tatak Pinoy’ traits
More Videos
Most Popular