ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Kuwentong pag-ibig sa pagitan ng tao at engkanto, bubusisiin sa 'I-Juander'
I JUANDER: BAKIT NGA BA MAY MGA KUWENTONG PAG-IBIG SA PAGITAN NI JUAN AT NG MGA ENGKANTO?
Ngayong papalapit na ang Araw ng mga Puso, tiyak naghahanap na si Juan ng kanyang makaka-Valentino. Pero paano kung ang magkagusto sa kanya, hindi kabilang sa mundo ng tao?
Pangarap ng maraming babae ang makatagpo ng kanilang Prince Charming. Pero sa kaso ni Lenie, prinsipe pala ng mga engkanto ang masugid niyang manliligaw!
Si Lito naman, hindi niya tunay na pangalan, gabi-gabi raw inaakit ng isang magandang babae sa kanyang panaginip. Pero maaaring demonyo pala ito na nagbabalat kayong tao o yung tinatawag na “succubus.”
Magwakas kaya sa happily ever after ang mga kuwentong ito ng pag-ibig at kababalaghan?
Ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi, samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario sa pagsagot sa tanong ni Juan: I Juander, bakit nga ba may mga kuwentong pag-ibig sa pagitan ni Juan at ng mga engkanto?
Tags: prstory
More Videos
Most Popular